Akademikong Sulatin by: Henrha Nassar Abstrak- Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsusulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mabatid o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. Katangian: Hindi gaanong mahaba. organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.
Halimbawa: Sintesis- Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kwento. Katangian: Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa kwento. Halimbawa: Bionote- Ginagamit para sa personal profile ng isan tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. Katangian: May makakatotohanang paglalahod sa isang tao Halimbawa: Memorandum- Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong. Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti. Halimbawa: Agenda- Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sa pagpupulong a magaganap para sa kaayusan ng at organisadong pagpupulong. Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy pagpupulong. Halimbawa: Panukulang Proyekto- Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin. Katangian: Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. Halimbawa: Talumpati- Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman. Katangian: Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya Halimbawa: Katitikan ng Pulong- Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Katangian: Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Halimbawa: Posisyong Papel- Ito ay naglalayong maipaglaban ung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian ng hindi tanggap ng karamihan. Katangian: Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya. Halimbawa: Repleksibong Sanaysay- Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ng manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat. Katangian: Isang replektibo na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood. Halimbawa: Pictorial Essay- Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita Katangian: Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap. Halimbawa: Lakbang Sanaysay- Ito ay isang uri ng sanaysay ng makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat Katangian: Mas madami ang teksto kaysa mga larawan Halimbawa: